wooo..wednesday nanaman kahapon. Napredict ko na.. First wednesday namin this sem masaya. Tapos sunod..ewan ko ba. Tapos kahapon, Downfall na talaga. Sabi sakin ng kaibigan ko dati, “wag ka mag expect something in return, Ang mahalaga mapasaya mo siya” Yun ang ginawa ko. Masaya naman. Hindi ako nag expect. PEro masakit pala kung makikita mong yung ginagawa mong pagpapasaya sa kanya ay may gumagawa nang iba. Wala kang karapatang mag selos. Pero may karapatan kang masaktan. Mahal mo eh. Medyo naguguluhan ako ngayon kung lalayo ako or hindi. Naiinis din ako sa ginawa ong pag walkout kagabi pero hindi na kinaya ng damdamin ko eh. Anong laban ko. Kasi yung kakulitan mo, katawanan mo at nagpapasaya sayo ngayon ay yung ULTIMATE CRUSH MO. Diba? ang sakit sakin nun. AKO YUN DATI EH. AKO YUN. Eh ngayon? ako pa ba yung BEST PAL EVER HAD MO? Liit na liit na ako sa sarili ko… Iniisip ko kung lalayo ako at magpapaka cold. pero magtext ka lang at makita lang kita, Hindi na kita matiis eh. Classmate pa tayo almost sa lahat ng subjects. ang hirap umiwas. Igigive up ko ba ang feelings ko at magpapahinga muna ang puso o kakantahin ang kanta ni Jason Mraz na “I wont give up on us” at isasabuhay to. Pag inamin ko kaya sayo? ikatutuwa mo? Ganun din kaya nararamdaman mo para sakin? “malabo yun vince :(” hanggang kelan kaya to. When? at saan to hahantong? Where?
Dumating na naman yung kinakatakot kong araw. Tanggap ko naman na friendzone lang ako *sa ngayon* pero feeling ko naman someday or sometime malalaman mo din yung feelings ko para sayo. Napaka saya ko dahil dumating ka sa buhay ko.. Dati akala ko kagaya ka lang ng mga typical na babae jan pero nung naging close tayo, iba ka pala. You are amazing. Ngiti at tawanan palang natin, iba na. Ang saya lang. Wala tayong iniisip na problema sa accompaniment natin. Napakasaya ko sa mga trip natin. foodtrip, Pangungulit, Laughtrip. parang tumitigil yung oras pag kasama kita.. Ikaw yung dahilan kung bakit ako excited pumasok kahit maaga. Kahit gabihin ng uwi basta kasama ka. Pero ngayon parang may pumalit na sakin.. Crush mo siya kaya anong laban ko dun.. mas ma effort. mas napapasaya ka.. Hindi ko alam kung lalayo muna ako para na rin sa kanya kasi gusto ka din niya.. As usual. Paparaya nanaman. basta lumayo man ako. hindi kita iiwan. lagi lang ako nakasubaybay sayo.. masakit man pero ako padin yung BEST PAL mo. BEST PAL YOU NEVER HAD. kung mabasa mo man to ok lang. 
You are the number 1 of my counting
A of my alphabet. (corny no? inlove ako eh. bakit ba)